Tala_Sarah Geronimo_Lyrics


Tala, tala, tala...

Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata

Tala, tala, tala...

Ang ningning ng yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala


Siguro nga't masyadong mabilis ang pagyanig

Ng puso ko para sa puso mo

Siguro nga ako ay makulit, ayaw makinig

Sa takbo ng isip

Hindi ko maipilit

Tila ako'y nakalutang na sa langit

Ngunit nalulunod sa yong mga ngiti


At kung hanggang dito lang talaga tayo

Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka

At kung umabot tayo hanggang dulo

Kapit lang nang mahigpit

Aabutin natin ang mga tala


Tala, tala, tala...

Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata

Tala, tala, tala...

Ang ningning ng yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala


Maaring kinabukasan ay mag-iba ng

Ihip ng iyong ninanais

Ngunit maaari bang kahit na pansamantala lang

Ikaw muna'y maging akin

Tila ako'y nakalutang na sa langit

Ngunit nalulunod sa yong mga ngiti.


At kung hanggang dito lang talaga tayo

Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka

At kung umabot tayo hanggang dulo

Kapit lang nang mahigpit

Aabutin natin ang mga tala


Tala, tala, tala...

Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata

Tala, tala, tala...

Ang ningning ng yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala


Hindi man ako nilagay sa mundong ito para sa iyo

Parang nakatingin ang buong daigdig pag ako'y yakap yakap mo


At kung hanggang dito lang talaga tayo

Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka

At kung umabot tayo hanggang dulo

Kapit lang ng mahigpit

Aabutin natin ang mga tala


Tala, tala, tala...

Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata

Tala, tala, tala...

Ang ningning ng yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala.


Ang ningning ng mga tala'y nakita ko sa'yong mga mata...

Nakita ko sa'yong mga mata.

Ang ningning ng yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala...

Watch on YouTube...